Ang unang aspeto na dapat mong pag-ibayuhin ang ispiritual, because your spiritual life is the engine that carries your success.sapagkat ang iyong buhay-ispiritual ay makina na nagdadala sa iyo tungo sa tagumpay. Kung maunlad ka sa pinasiyal na salat sa ispiritual, ito'y parang meron kang magandang sasakyan na walang makina. Maaaring ito'y kaakit-akit, pero ito'y walang silbi dahil hindi ito makakarating kahit saan man. Ang kanyang halaga ay napukaw. Ang kanyang totoong sadya ay nawala. Ito lang ay magiging parada ng mga sabay sa uso. Ito ang katayuan ng sinumang marangya sa pinansiyal na salat sa ispiritual. Marahil nakikita mo silang may pera. Mapera sila ngunit marami silang katanungan sa buhay na walang kasagutan Marangya, ngunit may mga hinaing sa mga bagay na wala sila. Sa kanilang pribado, kapag patay na ang ilaw at walang nakakakita, umiiyak sila sa mga bagay na wala sa kanila. At ipinapag-marangya ang kanilang sasakyan na walang makina. Ano ang ibig kong sabihin, mga kapatid? “Anong silbi para sa isang tao na maangkin ang sangkalibutan kung mapupukaw naman ang kanilang kaluluwa? O kaya'y ano ang maibibigay ng sinuman kapalit ng kanilang kaluluwa” Huwag mong dumihan ang iyong mga kamay para lang sa mga bagay na hindi makakapag garantisa ng kawalang-hanggan. Huwag mong dumihan ang iyong puso para sa kaninumang hindi makakapang-hawak sa iyong kapalaran. Kung marami kang pera, ang iyong ulo ay maraming impormasyon pero ang iyong puso ay hukag, saka ang buhay mo ay walang saysay.