-
Saan natin ginagamit ang Earth?
-
Maglakad tayo at alamin 'yon.
-
Sa bawat segundo ng paglalakad,
-
daraan tayo sa 1% ng lupain
at kung paano 'yon ginagamit.
-
Ang Earth sa loob ng 100 segundo.
-
Handa ka na ba?
-
Sa unang sampung segundo,
tumawid tayo sa nagyeyelong lupain.
-
Sa sunod na 11 segundo, sa disyerto
at mga tigang at mabatong lupain naman.
-
Sa 14 na segundo pa ng paglalakad,
-
dumaan tayo sa mga ecosystem
na madalang nating gamitin,
-
kasama na ang walong segundo lang
sa mga buong kagubatan.
-
Direktang pinakikinabangan
ang lahat ng iba pang lupain
-
ng mga tao.
-
Isang porsyento lang ng lupain
ang tinatayuan
-
pero may bakas tayo ng paggamit
sa buong planeta.
-
Mga pananim ang nasa 11% ng lupain,
-
at halos kalahati
ang pampakain sa livestock.
-
Sa loob ng lampas 20 segundo,
nasa kakahuyan uli tayo.
-
Inaalagaan 'tong mga gubat
para sa mga troso,
-
at may mahalagang papel ang mga 'to
sa pagsasaayos ng klima, hangin, at tubig.
-
May ilang mainam
para sa buhay-ilang ng daigdig
-
pero nakakalungkot na makitang inilalaan
-
ang mahigit 1/3 ng lupain para sa karne,
dairy, at mga produktong hango sa hayop.
-
Naglakad tayo nang 14 na segundo
-
sa di gaanong nagagamit
na kaparangan at pastulan.
-
Tulad ng baka, tupa, at kambing,
-
puwedeng manginain dito
ang ilahas na hayop.
-
May livestock na kinokontrol
para umunlad ang ibang species.
-
Di kinokontrol ang karamihan.
-
Sa huling 19 na segundo natin,
-
do'n tayo sa mga pastulang
malimit na pambaka.
-
Kung susumahin ang mga nag-aalaga ng baka,
halos 10 beses na mas marami 'yon
-
kesa sa lahat ng ilahas na mammal.
-
Ngayong may krisis sa klima
-
at nasa milyong species
ang puwedeng ma-extinct,
-
ba't di natin balikan 'tong mga lupain
at kung pa'no natin 'to ginagamit?
-
Kailangan ko pa ng mga puno.
Mas mabuti kapag mas malaya ang kalikasan.
-
Ba't di natin hayaang
huminga ang kalikasan?