Sabi ni Joachim de Posada, Wag kainin ang marshmallow
-
0:00 - 0:03Nandito ako dahil mayroon akong isang mahalagang mensahe:
-
0:03 - 0:05Sa palagay ko nahanap na natin
-
0:05 - 0:08ang susi sa tagumpay.
-
0:08 - 0:13At natagpuan ito malapit dito, sa Stanford.
-
0:13 - 0:17Dinala ng isang propesor ng sikolohiya ang mga batang apat na taong gulang
-
0:17 - 0:21sa isang kuwarto at iniwan sila doon.
-
0:21 - 0:24At sinabi niya sa isang bata, na apat-na-taong gulang,
-
0:24 - 0:27"Johnny, iiwan ko itong marshmallow at aalis ako dito
-
0:27 - 0:29sa loob ng 15 minuto.
-
0:29 - 0:33Kung sa pagbalik ko, nandito pa ang marshmallow,
-
0:33 - 0:37makakakuha ka ng isa pa. Magiging dalawa 'yan."
-
0:37 - 0:40Ang pagsabi sa isang apat-na-taong gulang na maghintay ng 15 minuto
-
0:40 - 0:42para sa isang bagay na gusto nila,
-
0:42 - 0:46ay katumbas ng pagsabi sa atin na, "Dadalhin namin ang inyong kape sa loob ng 2 oras."
-
0:46 - 0:47(Tawanan)
-
0:47 - 0:49Eksaktong katumbas.
-
0:49 - 0:54Anong nangyari nung umalis ang propesor sa kuwarto?
-
0:54 - 0:58Sa sandaling nagsara ang pinto...
-
0:58 - 1:00Dalawa sa bawat tatlong bata, kinain ang marshmallow.
-
1:00 - 1:03Limang segundo, 10 segundo, 40 segundo, 50 segundo,
-
1:03 - 1:05dalawang minuto, apat na minuto, walong minuto.
-
1:05 - 1:08Ang ilan, nakapagtiis sa loob ng 14-at-kalahating minuto.
-
1:08 - 1:09(Tawanan)
-
1:09 - 1:13Hindi magawa. Hindi makapaghintay.
-
1:13 - 1:16Kapansin-pansin na isa sa bawat tatlo
-
1:16 - 1:21ay tinitigan ang marshmallow at gumanito..
-
1:21 - 1:23Tinitigan.
-
1:23 - 1:25Ibinalik.
-
1:25 - 1:30Naglakad-lakad sila. Naglaro gamit ang kanilang pantalon at saya.
-
1:30 - 1:33Ang batang iyon, sa edad na 4, ay naunawaan na
-
1:33 - 1:36ang pinakamahalagang prinsipyo ng tagumpay,
-
1:36 - 1:40ang pagpapaliban ng gantimpala.
-
1:40 - 1:42Disiplina sa sarili:
-
1:42 - 1:45ang pinakamahalagang susi sa tagumpay.
-
1:45 - 1:48Matapos ang 15 taon, halos 14 o 15 taon na,
-
1:48 - 1:50isang karugtong na pag-aaral.
-
1:50 - 1:52Ano ang nalaman nila?
-
1:52 - 1:55Hinanap nila ang mga batang iyon na ngayo'y 18 at 19 na.
-
1:55 - 1:58Nalaman nila na 100 porsyento
-
1:58 - 2:02ng mga bata na hindi kinain ang marshmallow ay naging matagumpay.
-
2:02 - 2:04Matataas ang kanilang marka. Kahanga-hanga ang kanilang mga nagawa.
-
2:04 - 2:06Naging masaya sila. Marami silang plano sa buhay.
-
2:06 - 2:09Maganda ang kanilang naging ugnayan sa mga guro at kapwa mag-aaral.
-
2:09 - 2:10Maayos ang kanilang buhay.
-
2:10 - 2:13Sa isang banda, marami sa mga bata na kinain ang marshmallow,
-
2:13 - 2:14maraming naging problema.
-
2:14 - 2:16Hindi sila nakapasok ng kolehiyo.
-
2:16 - 2:18Mababa ang kanilang grado. Nag-drop out ang ilan sa kanila.
-
2:18 - 2:20Ilan sa natira mababa pa rin ang grado.
-
2:20 - 2:22Ang ilan, maganda naman ang grado.
-
2:22 - 2:24May tanong na bumabagabag sa aking isipan: Magiging magkatulad ba ang resulta
-
2:24 - 2:27kung mga batang Latino sila kaysa sa batang Amerikano?
-
2:27 - 2:30Kaya pumunta ako ng Colombia. At inulit ko ang eksperimento.
-
2:30 - 2:33At naging nakakatuwa naman; ang mga bata ay edad apat, lima, at anim.
-
2:33 - 2:36Hayaan niyong ipakita ko ang mga nangyari.
-
2:51 - 2:55(Espanyol) (Tawanan)
-
4:32 - 4:34Anong nangyari sa Colombia?
-
4:34 - 4:37Mga batang Latino, dalawa sa bawat tatlo, kinain ang marshmallow;
-
4:37 - 4:39isa sa bawat tatlo naman ay nakapagtiis.
-
4:39 - 4:41Nakakatuwa ang batang ito;
-
4:41 - 4:43kinain niya ang loob ng marshmallow.
-
4:43 - 4:44(Tawanan)
-
4:44 - 4:48Samakatuwid, gusto niyang isipin natin na hindi niya kinain iyon, para makakuha siya ng isa pa.
-
4:48 - 4:50Pero kinain niya ito.
-
4:50 - 4:53Kaya alam natin na magtatagumpay siya. Ngunit kailangan natin siyang bantayan.
-
4:53 - 4:54(Tawanan)
-
4:54 - 4:57Hindi siya pwede sa banko, halimbawa,
-
4:57 - 4:59o magtrabaho bilang kahera.
-
4:59 - 5:01Pero magtatagumpay siya.
-
5:01 - 5:03Totoo ito kahit saan. Kahit sa pagtitinda.
-
5:03 - 5:07Ipagpalagay natin, isang tindera --
-
5:07 - 5:09sabi ng customer, "Gusto ko niyan." At sasabihin ng tindera, "Okay, eto na."
-
5:09 - 5:11Kinain ng taong iyon ang marshmallow.
-
5:11 - 5:13Kung sinabi ng tindera, "Teka muna.
-
5:13 - 5:16Tatanungin muna kita upang malaman kung tama nga ang pinili mo."
-
5:16 - 5:17Sigurado mas marami ang benta mo.
-
5:17 - 5:22Nagagamit ito sa lahat ng aspeto ng buhay.
-
5:22 - 5:25Tatapusin ko na ito -- ito ay gawa ng mga Korean.
-
5:25 - 5:27Alam mo ba? Sa sobrang tuwa
-
5:27 - 5:29ginusto namin ang isang pambatang libro tungkol sa marshmallow.
-
5:29 - 5:32At gumawa kami ng librong pambata. Nagkalat na ito ngayon sa buong Korea.
-
5:32 - 5:34Tinuturo nila ang prinsipyong ito sa lahat ng bata doon.
-
5:34 - 5:36At kailangan nating matutunan ang prinsipyong iyon dito sa Estados Unidos,
-
5:36 - 5:38dahil malaki ang ating utang.
-
5:38 - 5:40Mas maraming marshmallow ang kinakain natin kaysa sa nagagawa.
-
5:40 - 5:42Maraming salamat.
- Title:
- Sabi ni Joachim de Posada, Wag kainin ang marshmallow
- Speaker:
- Joachim de Posada
- Description:
-
Sa maikling talumpating ito mula TED U, isinalaysay ni Joachim de Posada ang isang mahalagang eksperimento tungkol sa pagpapaliban ng gantimpala -- at kung paano nito nasusukat ang tagumpay sa hinaharap. Hatid niya ang isang bidyo ng mga bata na buong pagtitimpi na hindi makain ang marshmallow.
- Video Language:
- English
- Team:
closed TED
- Project:
- TEDTalks
- Duration:
- 05:44