-
Hindi raw sigurado si Linde kung paano
-
galing sa 853, ibawas...
-
Hindi raw sigurado si Linde kung paano
-
ibawas ang 283 sa 853.
-
Tulungan si Linde sa pamamagitan ng
-
pamimili ng expression na katulad ng
-
853-283.
-
I-pause mo muna ang video at subukan
-
mong sagutan ang tanong bago natin
-
'to sagutan ng sama-sama.
-
Ngayon, 'pag tinignan natin ang
-
lahat ng ating choices,
-
lahat sila ay nagsisimula sa 853.
-
Para sa unang choice na ito,
-
nagbawas sila ng 200.
-
Tama ito dahil may 283 sa equation dito.
-
Tapos nagbawas sila ng 50.
-
Tapos nagbawas sila ng 3.
-
Tama yung 200 at yung 3.
-
Pwede mong tignan ang 853-283 bilang
-
853 minus dalawang 100s,
-
minus 80; walong 10s
-
diyaan, minus 3. Pero hindi 'yan
-
yung sinulat nila. Imbis na lagyan ng
-
80, naglagay sila ng 50.
-
Pwede natin 'yan i-ekis.
-
Dito mayroon tayong 853 minus
-
20 minus 800 minus 3.
-
Medyo kakaiba ito kase
-
wala tayong dalawang 10s, mayroon
-
tayong dalawang 100s.
-
At wala tayong walong 100s, mayroon
-
tayong walong 10s.
-
Kaya mali ang option na ito.
-
Malamang ito ang tamang option.
-
Pero siguraduhin muna natin na ito
-
nga ang sagot.
-
Mayroon ditong 853 minus 200 minus
-
50 minus 30. Tama ba ito?
-
Pag-isipan natin ito.
-
Binawasan muna nila ang dalawang
-
100s. Itong bahagi ng ating numero.
-
Tama ito. Tapos nagbawas sila ng 53
-
tapos nagbawas sila ng 30. Parehas lang
-
ito sa pagbabawas ng 83. Kase ang
-
pagbabawas ng 83 ay kaparehas
-
lang ng pagbabawas ng 53 at pagkatapos,
-
30. Katumbas ng 83 ang 53 plus 30.
-
Ngayon, baka nagtataka ka kung
-
bakit nila ito ginawa sa ganitong
-
pamamaraan. Anong mas madali
-
gawin sa isip lamang? Ang 853 minus 200 ay
-
653. Bawasan ng 53 galing dito.
-
Magbabawas tayo ng 53 dito.
-
Ang maiiwan ay 600.
-
Pagkatapos, 600 minus 30.
-
Baka napansin mo ito. Animnapung
-
10s minus tatlong 10s. Ang kinalabasan
-
ay limampu't pitong 10s. O pwede
-
mo rin ito gawin sa isip lamang,
-
Ang 600 minus 30 ay lumalabas sa 570.
-
Kaya nila pinagbabahagi
-
nila ang 83. Imbis na ipagbabahagi nilang
-
maging 80 and 3, pinagbabahagi nila
-
ito upang maging 53 and 30 para
-
maging kaparehas sa 53 dito [sa 853].
-
Para mas madaling makita ang sagot.
-
Sagutan naman natin ang isa pang ejemplo.
-
Dito tayo'y sinabihan na kompletuhin
-
ang kahon. Ang nakasabi, ang 143 minus
-
79 ay kaparehas ng blank minus 80.
-
I-pause mo muna ang video na ito at
-
tignan kung masasagot mo ito.
-
Ang importante dito ay ang maunawaan
-
na kung may difference dito, basta't
-
nagdagdag ka o nagbawas ka ng
-
kaparehong halaga sa parehong numero,
-
ang difference ay
-
hindi magbabago.
-
Makikita natin na binago nila ang
-
79- makikita nila na binago nila
-
ang 79 para maging 80 sa pamamagitan
-
ng pagdagdag ng 1. Kaya kung gusto
-
natin hindi magbago ang
-
difference, magdadagdag tayo ng 1 sa
-
143 rin. Ang 143 plus 1 ay magiging 144.
-
Kung nagdadag tayo ng 1 sa parehong numero
-
ang difference ay hindi magbabago.
-
Tapos na tayo. Ang sagot ay 144-80.