-
Kamusta! Ako si Doctor Amanda Cohn
-
Isa akong physician at medical officer
-
sa CDC's National Center for
Immunization and Respiratory Diseases
-
at kasalukuyan kaming naglilingkod
-
bilang executive secretary
-
para sa Advisory Committee
on Immunization Practices – o ACIP.
-
Gusto kong ibahagi sa inyo
-
kung paano ginagawa ng grupo ng mga
-
eksperto na bumuo ng rekomendasyon
-
at magbigay ng payo sa CDC tungkol sa
-
paggamit ng mga bakuna sa ating bansa.
-
Ang ACIP ay nakatuon sa paggawa ng mga
-
rekomendasyong nakabatay sa ebidensya
-
at siyensya
-
para maiwasan at makontrol ang mga sakit
-
na maiiwasan sa pamamagitan ng bakuna,
-
tulad ng COVID-19.
-
Nauudyok sila sa layunin nilang magligtas
-
ng buhay, walang impluwensiya ng politika,
-
at sinisigurong klaro ang lahat ng
kanilang pagpupulong
-
na bukas sa publiko at makikita online.
-
Ang komite ay binubuo ng 15 voting
na miyembro
-
na mga eksperto sa medisina at
pampublikong kalusugan
-
mula sa iba't ibang bahagi ng
Estados Unidos,
-
kasama na ang isang tao na kumakatawan
sa pangkaraniwang tao.
-
Sinasaliksik nila ang impormasyon
tungkol sa kaligtasan
-
at bisa ng mga bakuna at
resulta ng klinikal na pagsubok,
-
at pagkatapos ay bumoboto upang
magrekomenda.
-
kung dapat bang gamitin ang mga
bakunang iyon sa Estados Unidos.
-
May mga non-voting members din ang komite,
-
tulad ng mga kinatawan mula sa
American Nurses Association,
-
American Medical Association,
American Academy of Pediatrics,
-
at American College of Physicians.
-
Mahalaga na andito ang mga
taong ito sa komite,
-
kasi nagbibigay sila ng pananaw mula
sa mga doktor, nars, at iba pang
-
providers ng healthcare na sumusunod sa
mga rekomendasyon ng CDC tungkol sa bakuna
-
at sinisigurong naipapatupad ito.
-
Maraming pagsisikap ang ginawa
para mabilis na makabuo, pag-aralan,
-
at pahintulutan ang mga bakuna sa
COVID-19,
-
para matugunan ang pandemya na kinakaharap natin.
-
Naiintindihan namin na maaaring
nag-aalala ka tungkol sa kaligtasan
-
ng mga bakuna sa COVID-19, lalo na’t
napaka-mabilis ng kanilang pagbuo.
-
Pero kahit mabilis ang proseso,
-
dumadaan pa rin ang mga bakuna sa
COVID-19 sa parehong masusing pagsusuri
-
gaya ng lahat ng ibang bakuna, bago
bumoto ang komite kung ire-rekomenda ito.
-
Ang kaligtasan ng bakuna ang laging
pangunahing priyoridad,
-
at ganun din para sa mga bakuna sa
COVID-19.
-
Mula pa sa simula ng pandemya,
madalas nagkikita ang ACIP
-
para manatiling updated tungkol sa
mga bakuna sa COVID-19.
-
Kapag naaprubahan o na-authorize
ang bawat bakuna laban sa COVID-19
-
para sa paggamit sa Estados Unidos,
-
mabilis na magpupulong ang
ACIP para suriin ang mga datos
-
mula sa mga masusing pag-aaral
na isinagawa ng mga tagagawa ng bakuna,
-
para ipakita na ang bawat
bakuna ay sumusunod sa mga
-
pamantayan ng kaligtasan at bisa.
-
Pagkatapos ng talakayan at
pampublikong komento,
-
boboto ang komite kung irekomenda
ang bakuna,
-
at kung oo, sino ang dapat tumanggap nito.
-
Ito ang parehong proseso na ginagamit
ng ACIP sa lahat ng bakuna.
-
Ang parehong proseso na nag-rekomenda
ng mga ligtas at matagumpay na bakuna
-
na nagpoprotekta sa ating mga komunidad
-
mula sa mga sakit na dati nang puminsala
sa daan-daang libo taon-taon.
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-